ewan ko ba. andyan ka na nman.
di ko man lang naramdaman na ikaw ay parating na sa aking harapan. makasalubong ka sa canteen, sa office, sa lrt. sabagay, alam kong dedeadmahin mo lang ako.
samantalang eto na nman ako, nakitingin sa iyo. sa malayo.
bakit ka ba kasi umiikot sa mundo ko? parang kang ulan na patuloy ang pagikot sa mundo, sa aking mundo.
kagaya ng ulan, kasabay nito ang malamig na pag ihip ng hangin. hangin na dumadampi sa aking braso, hangin na umiihip sa aking malamig na gabi, hangin na bumubulong sa iyong pangalan.
kagaya rin ng hangin. napakalamig mo. :)
manhid ka ba? sana hindi. kasi magsasayang lamang ako ng laway kung sasabihin kong mahal kita.
nabasa mo? oo. hindi yan edited.wak ka na lumayo. kasi nandito ako upang punan nag mga naging pagkukulang ko. upang ibalik ang nasayang na panahon na dapat tayo ay nagkasama.
4 na buwan na rin pala ang nakalipas. mahabang panahon ang nasayang. na dpat ay kasama kita, kapiling. pero sadyang ayaw ng tadhana.
ganun lang ba talga un?
sana malaman ko kahit sa ganitong paraan na oo, mahal na kita. mahal na mahal.
~Deejay19
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment